Ang saya dito. Ang lakas nung soundtrip nung kapitbahay namin. Diba makwento ko na kung bakit? 40 days na kaseng patay yung lolo nila. Eh ayun, pinapapunta nga ako dun mamaya at kakanta daw ako. Eh balak kong hindi pumunta, nahihiya ako eh. Hahaha! Nasa genes kasi nila yung magagaling kumanta. Well, tingnan natin kung mapipilit nila ako mamaya. Hahaha! Chos. Joke di ako pupunta dun.
Gusto ko ng kausap. Puntahan nyo ‘ko dito sa bahay. Tapos tatambay tayo dito sa tapat namin. Magkkwentuhan ng kung anu-ano, tas magtatawanan. Walang pake kung maingay tayo, basta masaya. Chos, nu daw. Pero gusto ko talaga ng makakadaldalan right now :(
Sorry. Feeling ko napakawalang kwenta ko nang blogger. Hindi na ako yung dating blogger na nagpopost ng relatable posts. Ngayon puro personal posts na lang. Minsan nga nagagawa ko pang twitter to eh. Sorry. Ang hirap din pala kapag hindi inspired eh, ano? Wala kang pinaghuhugutan sa mga posts mo. Sobrang sabaw ka pa. Yung mapapareblog ka na lang kasi wala ka talagang maipost.
Magulo yung title ‘no? Hahaha. Eto kasi yan eh, may childhood guy bestfriend nga ako. Tapos nung mga grade 2 kami, lumipat sila sa Tagaytay. Tapos nung isang araw lang, magka-skype yung mama ko tsaka mama nya. Bestfriends pala yung mama ko tsaka mama nya, just so you know. Tapos grabe ang tangkad na nya! Hahahaha! Eh nung magkaskype sila ni tita hindi ako nagpakita kasi nahihiya ako. Mahiyain talaga ako eh. Hahaha! Tas alam nyo na, may napagusapan na naman sila tungkol samin nung guy bestfriend ko. Grabe, alam nyo naman yung mga ganyan diba. Hindi mawawala yan. Hahaha! Sabi ba naman nila kami na lang daw chuchu. Whatever tita and mama! Hahaha. Tas kakapanood ko lang nung guitar cover nyang Kasintahan by Jireh Lim. Ang galing din maggitara! Hahaha. Ayun, wala lang. Naalala ko lang yung kalokohan namin dati. Hahaha! :)
Loko ka Jeyp! Hahahaha. Yung 1 na lang.
1. Full name
Diana Ruth Magsumbol Fatalla ;)
Medyo kanina pa nakauwi galing sa SM South. Inis kanina sa Dept Store. Walang size 8 yung mga black shoes. Ang pinakamalaki nilang size eh 7. Eh size 8 paa ko. Hu. Pero may nahanap naman kami. Hehe. Dalawa binili kong black shoes. Tas isang rubber shoes, sa Keds. Tapos mga notebooks ang chuchu. Basta yun yon. Hahaha! Haaaay, kapagod :/
Kung may comfort food, ako may tinatawag na comfort music. Hahaha! Imbento ko lang. Para sa’kin, ang comfort music/s ko ay yung mga kanta ni Avril. Yung mga kanta ng Paramore at Sleeping with Sirens. Ang sarap pakinggan. Ewan ko ba, para sa’kin ang sexy ng boses ni Avril, Hayley at ni Kellin. Grabe. Gabi-gabi, pinapakinggan ko yung mga kanta nila dito sa playlist ko. ♥

